KabataanSaHalalan

BINAY, CAYETANO SASABAK DIN SA SENATORIAL ELECTION

MAGBABANGGAAN sa senatorial race sina dating Vice President Jejomar Binay at dating House Speaker Alan Peter Cayetano na naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy kahapon.

/ 8 October 2021

MAGBABANGGAAN sa senatorial race sina dating Vice President Jejomar Binay at dating House Speaker Alan Peter Cayetano na naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy kahapon.

Si Binay ay kandidato ng United Nationalist Alliance habang si Cayetano ay isang independent candidate.

Matatandaang pinangunahan noon ni Cayetano ang Senate hearings sa sinasabing overpriced Makati building na isa sa sinasabing dahilan ng pagbaba ng popularidad ni Binay at pagkatalo sa 2016 elections.

Bukod kina Binay at Cayetano, naghain din ng COC sa pagka-senador sina dating Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., dating Cong. Neri Colmenares, Atty. Jose Manuel Diokno, broadcaster Carlito Balita at businessman Jesus Aranza.

Sa pagka-presidente, bukod kay Vice President Leni Robredo, 15 iba pa ang naghain ng kandidatura habang pitong sibilyan ang nagsumite ng COC sa pagka-bise presidente.

Kabuuang 42 partylists naman ang naghain ng kanilang Certificate of Nomination and Acceptance sa ika-anim na araw ng paghahain ng kandidatura sa Commission on Elections.