KabataanSaHalalan

BBM, SARA TUTULUNGAN ANG MGA MAGSASAKA

NANGAKO sina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kanilang tutulungan ang mga magsasaka na tumaas ang mga ani at madagdagan ang kita ng mga ito.

/ 20 December 2021

NANGAKO sina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kanilang tutulungan ang mga magsasaka na tumaas ang mga ani at madagdagan ang kita ng mga ito.

Plano rin ng dalawa na dagdagan at palakasin ang lokal na produksiyon ng fertilizer para hindi na kailanganin pang umangkat sa ibang bansa.

Ayon sa BBM-Sara UniTeam, kaisa sila sa panawagan ng mga magsasaka na hindi na dapat umasa ang bansa sa mga imported na fertilizer na nagpapahirap sa kanila dahil sa patuloy na paglobo ng presyo nito.

“Sa aming pag-iikot sa mga probinsya, ang kadalasang inirereklamo sa amin ng mga magsasaka ay ang mahal na presyo ng mga fertilizer dahil nga karamihan dito ay galing sa ibang bansa,” ayon kay Marcos.

Iginiit pa ng Bongbong-Sara tandem na bukod sa paglalaan ng sapat na pondo, plano rin nilang ipatupad ang isang strategic roadmap para sa pagtatayo ng lokal na produksiyon ng mga pataba na nakadisenyo para matulungan ang mga magsasaka.

“Hindi dapat importasyon ang laging sagot sa ating kakulangan ng supply. Dapat palakasin natin ang produksiyon sa ating bansa para mabawasan ang paghihirap ng mga magsasaka,” ayon pa sa BBM-Sara UniTeam.