BBM, SARA NANGUNGUNA PARIN SA PULSE ASIA SURVEY
BUMABANDERA pa rin sina UniTeam presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
BUMABANDERA pa rin sina UniTeam presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Ang survey ay isinagawa mula Abril 16 hanggang 22.
Nakakuha si Marcos ng 56 porsiyento, habang may 23 porsiyento ang sumusunod sa kanyang si Vice President Leni Robredo, na nabawasan ng isang puntos mula sa 24 porsiyento na nakuha noong Marso.
Nasa ikatlong puwesto si Senador Manny Pacquiao na may pitong porsiyento habang bumaba naman ang puntos ni Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng apat na porsiyento.
Nanatili si Laccson sa ikalimang pwesto na may dalawang porsiyento.
Samantala, nangunguna pa rin si Duterte-Carpio na may 55 porsiyento bagaman bumaba ng isang puntos mula noong Marso habang ang mga numero ni Senador Francis Pangilinan ay humahabol kay Senate President Vicente Sotto III.
Nakakuha si Sotto ng 18 porsiyento, bumaba mula sa 20 porsiyento noong Marso.
Umangat naman si Pangilinan sa 16 porsiyento mula sa 15 porsiyento noong Marso.