BBM-SARA NANGUNA SA PULSE ASIA SURVEY
NANGUNA sina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pinakahuling survey ng Pulse Asia para sa 2022 elections.
NANGUNA sina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pinakahuling survey ng Pulse Asia para sa 2022 elections.
Sa survey na isinagawa noong Disyembre 1 hanggang 6, tinanong ang 2,400 adult respondents kung sino ang kanilang iboboto sakaling ngayong araw ang May 2022 elections.
Nakakuha si Marcos ng 53 porsiyento habang si Vice President Leni Robredo ay may 20 porsiyento.
Parehong may 8 porsiyento sina Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Senador Manny Pacquiao sa ikatlong puwesto, kasunod si Sen. Panfilo Lacson na nakapagtala ng 6 porsiyento.
Si Antonio Parlade ay may 1 porsiyento habang sina Leody de Guzman at Norberto Gonzales ay kapwa wala pang isang porsiyento ang tinanggap na boto.
Samantala, sa vice presidential survey ay nakakuha si Duterte-Carpio ng 45 porsyento. Sumunod sa kanya si Senate President Vicente Sotto III na may 31 porsiyento.
Pumangatlo si Sen. Kiko Pangilinan na may 12 porsiyento, habang nakapagtala sina Willie Ong at Walden Bello ng 6 at 0.01 porsiyento, ayon sa pagkakasunod.