BBM NANGUNGUNA PA RIN SA SURVEY
NANGUNGUNA pa rin si dating Senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. sa pinakabagong pre-election survey ng Pulse Asia Survey.
NANGUNGUNA pa rin si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa pinakabagong pre-election survey ng Pulse Asia Survey.
Sa naturang survey ay nakakuha si Marcos ng 60 percent, na sinundan ni Vice President Leni Robredo na may 15 percent.
Pumangatlo naman sa survey si Manila Mayor Isko Moreno na may 10 percent, at sinundan nina Senador Manny Pacquiao, 8 percent, at Senador Panfilo Lacson, 2 percent.
Nakasaad din sa survey na sa lahat ng kandidato sa pagka-pangulo, si Pacquiao lamang ang walang nakuhang boto sa Metro Manila.
Pinakamataas pa rin ang nakuhang percentage ni BBM sa NCR na tumanggap ng 66 percent, habang si Robredo ay may 18 percent, si Moreno ay may 10 percent, at si Lacson ay may 2 percent.
Ang Pulse Asia survey ay isinagawa mula Pebrero 18 hanggang 23 sa 2,400 respondents na may edad 18 pataas.