KabataanSaHalalan

BBM NANGUNA SA PUBLICUS SURVEY

NANGUNA si Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pinakahuling presidential preference survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc.

/ 24 October 2021

NANGUNA si Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pinakahuling presidential preference survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc.

Batay sa resulta ng survey, si Marcos ay nakakuha ng 49.3 porsiyento ng mga boto ng respondents. Sumunod sa kanya si Vice President Leni Robredo na may 21.3 porsiyento. Pumangatlo lamang si Manila Mayor Isko Moreno na may 8.8 porsiyento na sinundan nina Senador Ping Lacson na may 2.9 porsiyento at Senador Manny Pacquiao na nakakuha lamang ng 2.8 porsiyento.

Sa National Capital Region ay nakalikom si Marcos ng 40 porsiyentong boto.

Samantala, sa North at Central Luzon ay nakagugulantang na 55.7 porsiyento ng mga boto ang kanyang nakuha. Sa South Luzon, nakakuha siya ng 38.2 porsiyento.

Sa Visayas ay nakuha niya ang halos kalahati ng mga boto sa 44.7 porsiyento habang sa Mindanao ay 62.5 porsiyento.

Ang Pahayag survey ay ang latest presidential preference survey na lumabas matapos magdeklara si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi siya interesadong tumakbo bilang presidente sa darating na halalan sa 2022 bagkus ay muling kakandidato bilang alkalde.