BAGUIO CITY MALINIS SA CAMPAIGN MATERIALS
BAGUIO CITY -- Sa gitna ng pag-arangkada ng kampanya para sa eleksiyon sa Mayo, ipinagmalaki ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na napananatili nila ang kalinisan ng lungsod kung saan walang nagkalat na campaign materials sa kanilang mga kalsada.
BAGUIO CITY — Sa gitna ng pag-arangkada ng kampanya para sa eleksiyon sa Mayo, ipinagmalaki ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na napananatili nila ang kalinisan ng lungsod kung saan walang nagkalat na campaign materials sa kanilang mga kalsada.
Sa paglilibot ng The POST sa lungsod, kapuna-puna na bibihira ang mga lugar na may makikitang tarpaulins at billboards, kandidato man sa local o national positions.
Sa press briefing, sinabi ni Magalong na nagawa nila ito sa pamamagitan ng kanilang polisiya na ‘lead by example’.
“We are setting the example. We took the risk, hindi kami naglagay ng posters. At for some reason pati ibang politiko walang posters. Makikita ninyo walang masyadong posters kaya malinis ang Baguio,” pahayag ni Magalong.
“’Yung mga national candidates, pinapayagan namin kaya lang after three to five days, tinatanggal din nila. Siguro nahihiya,” diin ng alkalde.
Dahil dito, napatunayan ng alkalde na kayang madisiplina ang mga Pilipino kung mayroon lamang tatayong sinserong lider.
“Yes, ang mga Pilipino, madali sumunod iyan. Basta may nakikitang magli-lead sa kanila,” dagdag pa ni Magalong.
Kasabay nito, inendorso ni Magalong ang tandem nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III para sa presidential at vice presidential elections sa Mayo.
Nanindigan si Magalong na para sa kanya ay sina Lacson at Sotto ang may kakayahan at kapabilidad na ayusin ang gobyerno ng Pilipinas.
“I can name several. One is marangal, consistently marangal, walks his talk, lead by example, dignified, can transform organization. He was able to transform a very corrupt institution, believes in good governance, authentic leadership,” pahayag ni Magalong nang tanungin kung anong ugali mayroon si Lacson na wala sa iba.
“Si Sen. Sotto naman kakaiba. Akala mo all humor pero when I saw him, he is brilliant, very professional kaya ang taas ng respeto ko. They have very divine program for this country, Science-based, hindi nambobola,” dagdag pa ng alkalde.