ALOK NA ‘HAKOT RALLYGOERS’ TINANGGIHAN NI LACSON
ZAMBOANGA CITY --- Kinumpirma ni presidential bet at Senador Panfilo Lacson na may 'organizer' na nag-alok sa kanilang kampo na maghakot ng tao kapalit ng P500 bawat indibidwal na dadalo sa kanilang campaign rally.
ZAMBOANGA CITY — Kinumpirma ni presidential bet at Senador Panfilo Lacson na may ‘organizer’ na nag-alok sa kanilang kampo na maghakot ng tao kapalit ng P500 bawat indibidwal na dadalo sa kanilang campaign rally.
Sa media briefing matapos ang courtesy call kay Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar, sinabi ni Lacson na isang organizer ang lumapit sa kanyang coordinator sa lalawigan ng Rizal at nag-aalok ng serbisyo para sa paghahakot ng mga taong dadalo sa kanilang campaign rally.
“Sabi sa kanya baka gusto nina Sen. Lacson at Sen. Sotto magkaroon ng maraming rally meron kaming mga tao, P500 per person, maski ilan,” pahayag ni Lacson.
“Ang panggagalingan ay ang Rizal, Payatas, Quezon City, Caloocan at Mandaluyong. Parang human resources department,” dagdag ni Lacson.
Subalit ibinulgar ni Lacson na hindi naman nakararating nang buo ang P500 sa bawat tao na binibitbit sa campaign rally dahil P200 lang ang ibinibigay sa kanila ng naturang grupo.
“Actually, ang net take home ng each participant is P200. Siguro ‘yun ang net siguro meron pang additional P100 for food and transportation,” ayon pa kay Lacson.
“Ang lider namin sabi hindi kasi sina Sen. Ping at Sen. Sotto mas gusto nila town hall, ‘di kami masyado sa rally. So it ended there. That’s the reality on the ground and we know that,” dagdag ni Lacson.
“We can’t blame the people coming from pandemic ang hirap ng buhay,” dagdag pa niya.