ADVANCE COPY NG DEBATE TOPICS INALMAHAN NI LACSON, SOTTO
INALMAHAN nina Partido Reporma standard-bearer Panfilo Lacson at running mate Vicente 'Tito' Sotto III ang plano ng Commission on Elections na magbigay ng advance copy ng topics sa gagawing debate sa Marso 19.
INALMAHAN nina Partido Reporma standard-bearer Panfilo Lacson at running mate Vicente ‘Tito’ Sotto III ang plano ng Commission on Elections na magbigay ng advance copy ng topics sa gagawing debate sa Marso 19.
Inihalintulad ito ni Lacson sa pagbibigay ng eksaminasyon subalit mayroon namang leakage.
“Ayoko, para kang nagbigay ng leakage. Bakit ka pa nag-exam kung may leakage, dapat mag-aral sila,” pahayag ni Lacson.
Ipinaalala pa ni Lacson na bilang kumakandidato sa pinakamataas na posisyon sa bansa, dapat ngayon pa lamang ay pinag-aaralan na nito ang mga dapat gawin.
“You’re running for top official, mag-aral ka, ano ang gagawin mo kapag naboto ka na? Saka ka lang mag-aaral? Iharap mo ngayon sa tao ang kaya mong gawin,” diin ni Lacson.
“’Yung mga nag-aaral pa lang ngayon, dapat alam ng mga kababayan natin ‘yung nag-aral na ng 30 taon, ‘yun ang pagtitiwalaan,” giit naman ni Sotto.