12 WAGING SENADOR NAIPROKLAMA NA
IPRINOKLAMA na ng Commission on Elections na umuupo bilang National Board of Canvassers nitong Miyerkoles, Mayo 18, ang 12 senador na nanalo sa nakalipas na May 9, 2022 National at Local Elections.
IPRINOKLAMA na ng Commission on Elections na umuupo bilang National Board of Canvassers nitong Miyerkoles, Mayo 18, ang 12 senador na nanalo sa nakalipas na May 9, 2022 National at Local Elections.
Alinsunod sa NBOC Resolution No. 002-22, iprinoklama na sina Senators-elect Robin Padilla, Loren Legarda, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Francis ‘Chiz’ Escudero, Mark Villar, Alan Peter Cayetano, Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, JV Ejercito, Risa Hontiveros at Jinggoy Estrada.
Sa kanyang speech, ipinagmalaki ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan ang kanilang ‘very efficient and flawless transparency server’ ngayong eleksiyon matapos na ang lahat ng election resulta ay agad na natanggap matapos ang aktwal na halalan.
“As we usher in a new set of leaders from the local government units up to the national positions, I am proud to say that the Commission on Elections has successfully defended the sovereign right of the people to the democratic process of elections,” pahayag ni Pangarungan.
Iginiit naman ng opisyal na ang tagumpay ng halalan ay hindi lamang bunsod ng kanilang pagsisikap kundi malaking papel ang ginampanan ng mga botante na matiyagang pumila.
“The glory does not belong solely to the winners of the elections. It also belongs to the voters who stood patiently in line to cast their votes in an election with one of the highest voter turnouts in recent history. This is an election with the lowest election-related violence of only 16 incidents compared to around 160 violent incidents in the 2019 elections,” dagdag ng opisyal.
Pasasalamat sa Comelec, sa kani-kanilang mga pamilya at sa taumbayan naman ang namutawi sa bibig ng lahat ng Senators-elect sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanila na makapaglingkod.
Kanya-kanyang pangako rin ang mga bagong senador na tutuparin ang kanilang mga ipinangako noong kampanya para sa kapakanan ng publiko.