Campus

WESLEYAN U SABAY SA NEW NORMAL, UGNAYAN SA STUDES NASA CELFON NA

/ 26 August 2020

PARA sa mabilis na komunIkasyon ay hinimok ng Wesleyan University, na nakabase sa Cabanatuan City,  ang kanilang mag-aaral na mag-register sa kanilang website at mag-log in kahit sa pamamagitan ng mobile upang agad malaman ang mga anunsyo ng unibersidad.

May ibinigay na link ang unibersidad at ito umano ay bukas sa publiko upang malaman ang lahat ng advisories ng nasabing paaralan.

Convenient umano para sa mag-aaral, guro at sa faculty members na nakarehistro para sa mabilis na komunikasyon at higit sa lahat libre naman ang pagpaparehistro.

Ginawa ang nasabing hakbang para makasabay sa new normal na naglalayun ng malimitahan ang face-to-face transactions bilang pag-iwas sa Covid19.

Inanyayahan din ng Wesleyan University ang mga kabataan na sa kanila na mag-enrol dahil sa alok na may kalidad na edukasyon at sabay sa new normal gamit ang makabagong pamamaraan at online learning.