Campus

UST PROF NAGDEDEBELOP NG MURA, EPISYENTENG COVID19 VACCINES

/ 2 April 2021

KASALUKUYANG dinedebelop ng grupo ni University of Santo Tomas Biological Sciences Visiting Professor Fr. Nicanor Austriaco ang isang oral vaccine mula sa lebadura na inaasahang magiging epektibo kontra Covid19.

Ayon sa paring  Dominikano at molecular biologist, dalawang bakuna ang kasalukuyang rumorolyo sa kanilang laboratory — isang para sa orihinal na strand at isa para sa mga nagsulputang bago.

Sa isang panayam sinabi niya, “We are developing two vaccines now —  one for the original virus and we have some for the variants as well. As you know the variants are taking over the Philippines so we need to develop a version of this vaccine that would be effective against the variants as well.”

Ang naturang oral vaccine ay nakabatay sa yeast system na makatutulong sa immune system ng mga indibidwal, nagkaroon man ng Covid19 o hindi.

“We want to take a common probiotic yeast, Saccharomyces boulardii is the name of the yeast. You can actually go to Watsons to buy it today. We genetically engineered this yeast so it will produce the spike protein of SARS-CoV-2 in your body,” paliwanag ni Austriaco.

Kung magtatagumpay, ito ang magiging kauna-unahang bakunang gawa ng isang Filipino scientist.

Mas mabilis umanong makokonsumo ang kanilang imbensiyong batay sa lebadura sapagkat tableta ito na maaaring ilagay sa tubig, gatas, alak, o wine.

Higit 25 taon nang eksperto sa microbiology si Austriaco. Nagtapos siya ng PhD sa Massachusetts Institute of Technology at aktibong miyembro ng OCTA Research Group.