UST POISED TO REFUND ‘UNUSED TUITION FEES’
MATAPOS ang halos limang buwang paghihintay ay magsisimula nang mag-refund ng mga hindi nagamit na matrikula noong 2019-2020 ang Unibersidad ng Santo Tomas.
Sa pinakabagong liham na ipinaskil ng Office of the Vice Rector for Finance, nilinaw na natapos na ng administrasyon ang pagtutuos ng halagang maaaring matanggap ng mga mag-aaral na naka-enroll noong nakaraang taon.
Ang ‘unused’ tuition mula nang ideklarang nasa kuwarentina ang Maynila ang prayoridad at ang saklaw ng halagang matatanggap ng sinumang kalipikado.
“Second Term AY 2019-2020 refund consists of 60% reduction in the common Miscellaneous Fees and Other Fees or university-wide charges,” wika ng UST.
Kasunod nito ay ang pagsususpinde ng singil sa medical, dental, cultural, drug-testing, enegery, physical infrastructure development, retreat and recollection, at sports fee.
Mayroon pang 50% na reduksiyon ng singil para sa iba pang bayaring hindi nabanggit sa itaas.
Samantala, may tatlong paraan kung paano posibleng makuha ang refund – offset sa kasalukuyang bayarin, deposito sa personal na bank account, o personal na pagkuha ng tseke sa loob ng pamantasan.
Minabuti itong gawin ng UST dahil naiintindihan nilang maraming mga pamilya ang nahihirapang makapagpaaral hanggang ngayong hindi sigurado kung kalian babalik sa normal ang Maynila.
Mensahe ng UST, “We take this opportunity to thank our stakeholders, particulary our students and their parents, for bearing with us as we try to achieve the necessary balancing act in this time of COVId-19 pandemic, i.e. continuing the delivery of services while safeguarding the safety and health of our personnel.”