UST DRAINAGE MALAPIT NANG MATAPOS: BAHA NO MORE?
MATATAPOS na ang stormwater drainage system ng University of Santo Tomas sa first quarter ng 2021, ayon kay UST Facilities Management Office Director Fr. Dexter Austria, O.P.
Sa isang pahayag, sinabi ni Austria na ang drainage system, na lulutas sa matagal nang suliranin ng mga mag-aaral sa tuwing uulan at babaha, ay 75 porsiyento nang kumpleto at nakatakdang gamitin sa susunod na taon.
“We are hoping for a flood-free campus…This project intends to pump out and drain internal flood waters of UST,” sabi ng Direktor sa The Varsitarian.
‘Game-changer’ niya itong tawagin sapagkat sa pagtatapos ng proyekto ay magiging makatoto-hanan na ang pangarap ng UST na maging flood-free campus sa gitna ng Maynilang kilala sa pagiging flood-prone area.
“Ang ginagawa ng UST is to prevent the flood water [from staying] in UST. [‘Yung situation na] España is already dry and UST is still flooded, ‘yun ang iniiwasan natin,” dagdag pa ng Direktor.
Gayunpaman, posibleng makaranas pa rin ng pagbaha ang UST kung lulubog ang lahat ng mga karatig-unibersidad.
Taong 2018 pa nasimulan ang proyekto na may 15 buwang timeframe. Hindi ito naabot ng opisina dahil na rin sa suliraning pinansiyal at Inhinyeriya, na mas pinalawig pa ng Covid19.
Paliwanag ni Austria, “We are in a pandemic [and] every time there is a typhoon or rain, we don’t have a choice but to [pack-up] kasi napupuno ng water [iyong] drainage and we cannot do any construction sa ilalim, not just because there is water but also for safety purposes.”