Campus

USAPING PAMPAMAHALAANG BADGET SA COVID19 HINIMAY SA WEBINAR NG FEU POLSCI

/ 7 August 2020

“COVID19: LGU’s Budgetary Concerns and Limitations” ang sentrong paksang tinalakay ng Far Eastern University Department of Political Science sa isang libreng webinar kasama sina Department of Budget Management Director III at OIC Director IV John Aries Macaspac, via Facebook Live.

Inisa-isa ni Macaspac ang legal at konstitusyonal na balangkas, mga pinakabagong gabay at polisiya ng DBM tungkol sa mganakaatang na tungkulin sa LGUs hinggil sa paglalaan ng badget para makatulong sa samu’t saring suliraning dulot ng Covid19, particular ang sa utilisasyon ng 20% development fund ng bawat lokal na pamahalaan, paghahanda ng annual investment program, bayanihan grant, pagbibigay ng hazard pay at special risk allowance para sa frontline workers, at ang indikatibong 2021 internal revenue allotment shares.

“We can never overstate the importance of the allocation that the LGUs are getting from the national government. This is the reason why, possibly, in the next year’s budget, we could come up with the idea that the LGUs in dire need, hit hard by the pandemic should get a little more. Basically, it is trying to introduce some kind of needs-based approach on the needs of these local government units,” sunod na latag ni Prop. Paul Micah Francisco ng FEU DPS sa kanyang reaksiyon sa presentasyon ni Macaspac.

Kung hindi ito posible, dagdag ni Francisco, ay maaaring magsulong ang nasyonal ng “interlocal cooperation” nang sagayo’y mapormalisa ang pagbabayanihan ng mga magkakaratig na lungsod at lalawigan sa panahon ng sakuna.

Ito ang unang webinar na inilunsad ng FEU PolSci at inaasahang masusundan pa ito sa mga darating na linggo at buwan.