Campus

UP ORGS MANGANGALAP NG DONASYON PARA SA JEEPNEY DRIVERS

/ 21 October 2020

MAGLULUNSAD ang mga grupo at organisasyon sa University of the Philippines ng programa upang makatulong sa mga jeepney driver sa bansa.

Kasabay nito ang paghingi nila ng donasyon para sa mga jeepney driver na hindi makapamasa-da dahil sa pandemya.

Sa Oktubre 25 idaraos ng mga estudyante ng UP ang ‘Arangkada, UP!’, kasama ang UP Jeepney Transport Group, UP Enkindle, UP Diliman CAL Student Council, at UP DUO.

Layon nitong makapagbigay ng mga edukasyunal na diskusyon tungkol sa kalagayan ng mga jeepney driver sa loob ng UP Diliman Campus at mabigyan din sila at ang kanilang mga pamilya ng relief goods.

Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa programa at samahan ang mga jeepney driver na isulong ang kanilang panawagan.

Samantala, maaaring ipadala ang mga donasyon sa mga sumusunod:

PayPal

http://paypal.me/sarabiacs

GCash o PayMaya

Christian Sarabia

0917 869 2603

Sponsor a relief pack:

GCASH

Allen Lewis Castro

0939 017 0098