Campus

UP COLLEGE OF MUSIC DISSERTATION KINILALA SA BUONG MUNDO

/ 2 October 2020

KINILALA ang husay ni Dr. Arwin Quinones Tan ng University of the Philippines Diliman – College of Music sa katatapos lamang na International Musicological Society Dissertation Award 2020.

Ang disertasyon ni Tan noong 2018 na ‘Music, Labor, and Capitalism in Manila’s Transforming Colonial Society in the Late Nineteeth Century’ ay nagwagi ng Ikalawang Karangalang Banggit.

Sinundan niya sina Daniel Walden mula sa Harvard University Cambridge Department of Music (Unang Karangalang Banggit) at Elizabeth Grace ELMI ng Indiana University Bloomington Jacobs School of Music (kampeon).

Layon ng IMS na itanghal sa buong mundo ang mga natatanging pananaliksik ng mga iskolar ng musika na may malaking ambag sa lawas ng edukasyon sa sandaigdigan.

Ayon sa IMS, “[IMS] is to further musicological research in its broadest sense among all peoples and nations…the advancement of musicological research on the basis of international cooperation.”

Pinarating naman ni UP Faculty Regent Ramon Guillermo ang kaniyang pagbati kay Dr. Tan sa Facebook.

“Congratulations to Dr. Arwin Tan and his adviser Dr. Jojo Buenconsejo of the UP College of Music for winning the Outstanding Dissertation Award (2nd Honorary Mention) (2020) from the International Musicological Society (IMS).”

Ibinahagi rin ni Guillermo na isa siya sa mga nagsilbing examiner ng patimpalak na nakasaksi kung gaano kahuhusay ang mga naging katunggali ni Tan sa naturang parangal.