Campus

UNIBERSIDAD DE MANILA HANDA NANG TUMANGGAP NG SHS STUDENTS

/ 8 May 2021

BUBUKSAN na ng Unibersidad de Manila ang aplikasyon para sa senior high school students.

Sa Facebook page ni Manila Rep. Yul Servio Nieto noong Mayo 6, naka-post ang anunsiyo ng UDM na nag-aanyaya sa mga SHS learner na magparehistro na para sa School Year 2021-2022.

Para mag-apply, magtungo sa UDM website at sagutin ang form: reg.udm.edu.ph/admission: ipadala ang scanned documents o files sa [email protected]

Nagpaalala rin ang UDM registrar na siguraduhing tama ang lahat ng files gaya ng tamang spelling ng pangalan at tiyaking tama ang format ng files (JPG o PNG) na limitado sa 5MB.

Ang mga kwalipikado ay dapat i-print ang test permit na kalakip sa email na natanggap mula sa UDM Admission team.

Magsisimula ang registration sa Hunyo 1 hanggang Hunyo 30, 2021.