Campus

UNANG PRODUKTO NG UCC COLLEGE  OF LAW GRADUATE NA

/ 14 July 2021

NAGMARTSA para sa kanilang pagtatapos noong Hulyo 12 sa Bulwagang Katipunan, New City Hall ang unang batch ng University of Caloocan City-College of Law graduates.

Mula sa 34 estudyante na unang pumasok sa UCC College of Law, anim ang matagumpay na nagsipagtapos matapos ang apat na taon.

Sila ay sina Sheena Hazel R. Belen, Rofel DC. Bughao, Roberto G. Damian Jr., Krizia E. Pia, Amiel R. Secretario, at Michael F. Villalon.

Dinaluhan ni Mayor Oca Malapitan ang 1st Commencement Rites ng UCC College of Law, kasama si City Administrator Engr. Oliver Hernandez, pamunuan at faculty members ng UCC College of Law sa pangunguna ni University OIC-President Prof. Marilyn T. De Jesus at College of Law Dean Atty. Roderick P. Vera, at iba pang mga panauhin.

“Sa darating ninyong Bar exam, huwag ninyo sanang biguin ang ating lungsod. Palagi kayong magdasal sa ating Panginoon, magpatuloy sa inyong pagre-review, dala ang Caloocan pride, tiyak at tiwala akong makakapasa kayong lahat,” sabi ng alkalde.

Bilang pagtatapos, nangako si Malapitan na maglalaan siya ng P1M bilang incentive sakaling makapasa ang mga nagsipagtapos sa darating na Bar exam.

Ang UCC College of Law, ang kauna-unahang Law School sa Camanava, ay binuksan taong 2017 sa ilalim ng administrasyon ni Malapitan.