Campus

UMak BINULABOG NG BOMB THREAT

/ 14 February 2024

PANSAMANTALANG naudlot ang pag-aaral ng mga estudyante ng University of Makati makaraang makatanggap ng bomb threat kahapon ng tanghali.

Pinalabas ang lahat ng estudyante sa oval ng UMak dahil sa bomb threat.

Base sa impormasyon mula sa mga estudyante ng paaralan, pina-evacuate ang lahat ng estudyante at mga personnel ng paaralan kasunod ng pag-inspeksyon at pag-iikot ng Makati City Police kasama ang kanilang K-9 dogs.

Magugunitang ilang ahensiya sa Quezon City ang binulabog din ng bomb threa, gayundin sa mga lalawigan ng Bataan at Olongapo.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing banta ng pambobomba,
habang nakikipag-ugnayan na rin ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa Japan government dahil sa naturang bansa umano galing ang pananakot.

Sa isang panayam, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, Colonel Fajardo na posibleng hindi galing sa Japan ang email na bomb threat lalo na’t napag-alaman na na-hack ang nasabing email.

“Nakikipag-ugnayan na tayo sa Japan dahil doon natunton ang pinagmulan ng email,” ani Fajardo.