Campus

UE STUDENT COUNCIL SCHOLARSHIP PROGRAM UMARANGKADA NA

/ 19 May 2021

NASA 34 student-athletes, dating student assistants, at college students ang mga scholarship beneficiary ng University of the East Manila University Student Council ngayong taon.

Tinawag na USCares: USC Financial Assistance Program, layon ng konseho na suportahan ang pag-aaral ng piling mga mag-aaral na mayroong problemang pinansiyal sa panahon na pandemya.

Malaki ang pasasalamat ng mga iskolar sapagkat lumilinaw na ang pangarap nilang makapagtapos ng pag-aaral ilang taon mula ngayon.

“I am sincerely honored to have been selected as one of the beneficiaries of the USCares. Thank you for your generosity, which helped me, and my family financially, and also given us the opportunity to study and reach our goals despite the unfortunate events that happened because of the quarantine and lockdown,” wika ni El-Jay Allauigan, BSIT student, sa panayam ng UE Dawn, opisyal na pahayagang kampus.

“Maraming salamat po sa opportunity na napili ako sa isa sa mga matutulungan na estudyante. Malaking tulong ito sa akin sapagkat kami ay lubos na nangangailangan. Hinding-hindi po kayo magsisisi sa pagpili sa akin at lalo ko pang pag-iigihan ang pag-aaral,” mensahe naman ni Jayvee Maracaeg, dating student assistant.

Patuloy na maghahatid ng serbisyo ang pamunuan ng konseho sa abot ng kanilang makakaya.

Pangako pa ng mga lider-estudyante na ipaglalaban ang karapatan ng bawat isa na makapagtapos ng pag-aaral. Ito ay sa kabila ng sali-saliwang isyung lumulutang tungkol sa pamantasan.

Sambit ng USC, “The USC will continue to commit [itself] [in forwarding] the students’ welfare especially in times of crisis. May our community will never let these students’ financial struggles brought by the pandemic crisis hinder them to acquire quality education in the institution.”

“In our solidarity in the community, no one must be left behind,” dagdag pa nito.