Campus

UAAP: CANSINO FIGHTING MAROON NA

/ 22 August 2020

KUMPIRMADONG sa UP Fighting Maroons na lilipat ang dating team captain ng UST Growling Tigers na si CJ Cansino matapos ang pakikipag-usap niya sa koponan ng mga iskolar ng bayan nitong Agosto  21.

Tapos na niyang makuha ang transfer credentials at kaunting papeles na lamang ang kinukumpleto para tuluyan nang makapasok sa UP. Minamadali na nila ito para makaabot sa dedlayn ng UP Varsity Admission Athletic System.

Nabalot ng kontrabersiya ang pag-alis ni Cansino sa UST. May mga sangguniang nagsasabing nagkaroon sila ng suliranin minsang tumungo ang grupo sa Sorsogon kasama si coach Aldin Ayo, hanggang sa

napaulat na sinipa na si Cansino ng unibersidad.

Malaki ang maitutulong niya kina RC Calimag at Cyril Gonzales para maabot ng Maroons ang kampeonato sa susunod na UAAP Season 84, lalo pa’t dalawang taon pa siya maaaring maglaro sa ilalim ng UP.

Noong nakaraang buwan lamang ay napaulat na papasok na rin sa Maroons ang mga rookie na sina Gerry Abandiano at Carl Tamayo matapos ang playing years nila sa  NU Bullpups.

Hinihintay na lamang ngayon ang opisyal na pahayag ng UP sa NoWhereTogoButUP support group.