Campus

TUITION SA SENIOR HIGH STUDENTS NG JOSE RIZAL UNIVERSITY P250 LANG

/ 28 August 2020

SA HALAGANG P250 ay makapagpapatuloy na sa pag-aaral para sa school year 2020-2021 ang senior high school students sa Jose Rizal University sa Mandaluyong City.

Sa ilalim ng voucher system ng Department of Education, mayr P22,500 na subsidiya para sa mga estudyanteng papasok ng SHS sa mga pribadong eskuwelahan.

Ang mga galing naman sa pribadong paaaralan na Education Service Contracting grantees ay may subsidiya na P18,000 para sa mga papasok ng SHS.

Ang down/full payment  para sa  Grade 10 na may DepEd Voucher ay P250; down/full payment para sa mga Grade 10 na may ESC Grant, P2,500; at ang down payment ng mga regular student ay  P3,039.50.

Subalit may ilang kondisyon para sa nasabing programa: Dapat ay nakatira ang estudyante sa Laguna, Cavite, Batangas, Quezon, Mindoro at Marinduque; nagtapos ang estudyante ng Grade 10 sa mga eskuwelahan sa mga lugar na nabanggit; at nakahanda ang kanilang voucher at ESC Grant Certificate.

Ang mga strand na puwedeng pasukan sa JRU ay Accountancy, Business, and Management (ABM); Science Technology, Engineering, and Mathematics (STEM); Humanities & Social Sciences Strand / General Academic Strand (HUMSS / GAS) at Technical Vocational Courses.

Mayroon ding academic scholarship para sa mga papasok ng Grade 11.

Samantala, hindi na kailangan ng mga estudyante na mag-entrance exam upang makapasok sa JRU.

Tatagal ang enrollment hanggang Setyembre 7 kasabay ng pagbubukas ng kanilang klase sa parehong petsa.