Campus

TSANSELOR NG UPLB: SANCHEZ OUT, CAMACHO IN

/ 27 September 2020

IDINEKLARA na ng University of the Philippines Board of Regents si Dr. Jose Camacho, Jr. bilang bagong tsanselor ng UP Los Baños.

Papalitan niya sa puwesto si Dr. Fernando Sanchez, Jr. simula Nobyembre 1.

Si Camacho ang ika-10 tsanselor ng UPLB. Siya ang dating Dekano ng Gradwadong Aralin at kasalukuyang propesor ng Ekonomiks sa Kolehiyo ng Ekonomiks at Pamamahala.

Pangunahing plataporma ni Camacho ang ‘Future-Proofing UPLB’ – ang pag-utilisa ng mga moderno, makabagong pamamaraang pampagpapaunlad para sa pamantasan at sambayanan.

“My vision of ‘future-proofing UPLB’ is about sustaining UPLB’s relevance by developing methods, approaches, and framework to minimize the cost and impacts of shocks of future events,” pahayag ni Camacho noong halalan.

Ang pagtatalaga sa bagong tsanselor ay itinuturing na tagumpay ng 88 pormasyong pangmag- aaral na nagpasimuno ng ‘No To Third Term Coalition’ laban kay Sanchez. Nagkaisa ang mga koalisyon sa pagpapanawagan sa BoR na huwag nang italaga pa ang dating tsanselor.

Isang hamon naman ang iniwan ng UPLB Student Council sa bagong pinuno ng pamantasan sa Facebook page nito: “The UPLB USC and the student body will remain vigilant and proactive in policing anti- student policies. Hence, we challenge Dr. Camacho to act from duty and uphold honor and excellence throughout his term by basing his policies on the needs and interests of his constituents. In these trying times, we challenge him to have compassion and advocate for the postponement of classes to the UP Board of Regents. We also demand the adoption of the Students’ Agenda and List of General Demands (SAGD) especially on the review and approval of all MRR and Readmission appeals, a permanent lift of the Freshman Recruitment Ban, fight with the students and faculty to Junk SAIS; all of which should have been done by the previous chancellor.”

Samantala, itinalaga rin sina Dr. Carmencita Padilla at Dr. Clement Camposano bilang mga bagong tsanselor ng UP Manila at UP Visayas. Ito ang ikatlo at huling termino ni Padilla habang una naman ni Camposano.