TRADITIONAL ARTS SA MINDANAO, SULU PALALAKASIN
INAPRUBAHAN na ng House Committees on Government Enterprises and Privatization, at Basic Education and Culture ang panukala para sa pagpapalakas ng Traditional Arts sa Mindanao at Sulu.
Pangunahing layunin ng House Bill No. 1580 ang pagtatatag ng Institute of Sulu and Mindanao Traditional Arts o INSUMINTRA.
Mandato ng INSUMINTRA na bumuo ng plano, palakasin at palagiang i-monitor ang traditional arts, crafts, programs, projects, at mga aktibidad para sa pangangalaga at pagpapalakas ng traditional arts sa Mindanao at Sulu
Ang ipinapanukalang INSUMINTRA ay makikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng pamahalaan na sangkot din sa kahalintulad na mga aktibidad.
Ang panukala ay isinulong nina Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman at Anak Mindanao Partylist Rep. Amihilda Sangcopan.
Iginiit ng mga mambabatas na kailangan ang institusyon o organisasyon para mapangalagaan ang kultura at ethnic groups o minorities sa rehiyon at inaasahang maisasagawa rin sa ibang rehiyon.