Campus

THAMES INTERNATIONAL SCHOOL MAY ALOK NA SCHOLARSHIP SA 500 INCOMING SHS STUDENTS SA CAINTA

/ 18 July 2021

INANUNSIYO ni Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto na nag-alok ng scholarships ang Thames International School para sa incoming Senior High School students mula sa mga pampublikong paaralan sa kanilang bayan.

“Nagbigay ng 500 full scholarship ang Thames International School para sa mga estudyanteng mula sa public schools ng Cainta na incoming Grade 11 and Grade 12 sa pasukan,” ani Nieto.

Ayon sa alklade, layon nitong maging hireable agad yung mga estudyanteng bagong graduate ng Senior High School lalong-lalo na sa larangan ng business at advertising.

“E-commerce course ang ino-offer nila. Bagong strand ito. Dito, matututo sila mula sa graphic designs, online marketing, hanggang sa pag manage ng business. Online learning ang set up nito,” ani Nieto.

Sa mga gustong mag-enroll dito ng libre ay magpa-endorso ds kanilang principals at ipadala sa kanyang opisina.

“Sa ngayon, Thames International School lang ang nag ooffer ng e-commerce course sa buong bansa kaya naman mas magiging malaki ang advantage ng mga magtatapos mula sa kurso na ito sa business world,” ani Nieto.