Campus

TARLAC STATE U LAB SCHOOL MULING BUBUKSAN

/ 18 January 2021

INAPRUBAHAN na ng Tarlac State University Board of Regents ang muling pagbubukas ng TSU Laboratory School.

Bunga ito ng tuluyang rekomendasyon ng College of Teachers’ Education upang mas mahasa ang mga gurong mag-aaral at makapaghatid ng dekalibreng edukasyon sa mga batang Tarlakenyo.

Ayon kay TSU Committee Chair Engr. Dennis Go, pabor ang pamunuan ng pamantasan na ireinstitusyonalisa ang lab school sapagkat nakikita nilang malaki ang epekto nito sa mga mag-aaral at sa buong komunidad.

“TSU-Lab School created a great impact on the lives of the students, and of course to the community,” sabi ni Go.

Batay sa naganap na pulong via Zoom, ang Lab School ay pangangasiwaan ng CTE para mapataas pang lalo ang kalidad ng Teacher Education Program ng TSU, gayundin ay mahasa ang mga guro sa parehong teorya at praktika.

Nagpakita rin ng pagsang-ayon rito ang grupo ng alumni at nangakong susuportahan ang paaralan sa abot ng kanilang makakaya.

“The quality of education the Lab School offers undeniably is one of the best in the region, and I have the reason to believe that is the best in the province,” sabi ni Lieutenant Commander Eroll Dela Cruz, alumnus ng pamantasan.

Inaasikaso na ng CTE ang nalalapit na pagbubukas ng lab school, pati ang iskedyul ng aplikasyon para sa Junior at Senior High School.

Mensahe naman ni Lab School Director Dr. Norbina Genever Castro, “Ating tunghayan ang asul na agila sa kanyang muling paglipad,”