SULTAN KUDARAT SCHOOL NANANAWAGAN SA PAGGAMIT NG TUNAY NA PANGALAN SA SOCIAL MEDIA PARA SA DISTANCE LEARNING
NANAWAGAN ang pamunuan ng Notre Dame of Tacurong College sa Sultan Kudarat sa kanilang mga mag-aaral sa mataas na paaralan na gumamit ng tunay na pangalan sa kanilang social media account.
Partikular na pinayuhan ang mga mag-aaral na nasa junior at senior class na opisyal nang nakatala sa nasabing paaralan.
Sa paggamit ng kanilang tunay na pangalan, partikular sa Facebook, matitiyak ang seguridad ng mag-aaral habang nagkaklase sa digital, ayon sa department head ng Junior-Senior Highschool.
Gagamitin din ang kanilang pangalan bilang opisyal na entry sa pag-access ng E-Learning at pagdalo sa klase.
Samantala, hinimok din ng paaralan ang kanilang mga estudyante na i-add ang opisyal nilang Facebook page para sa mabilis na pagpapalaganap ng impormasyon.