SOLAR GENERATOR SETS TULONG SA IP COMMUNITY SCHOOLS
LIMANG Indigenous Peoples Community Schools sa Talaingod, Davao del Norte ang binigyan ng bagong solar generator sets para masiguro ang akses sa edukasyon ng mga pamayanang walang koryente sa panahon ng new normal.
Ang proyekto ay pinangasiwaan ng Eastern Mindanao Command mula sa mga donasyon ng Philip Morris and Fortune Tobacco Corporation at Jaime V. Ongpin Foundation.
Kasama sa mga paaralang nabigyan ng generator sets ang Central Baguan Elementary School, Ibugay Lamburan Elementary School, KM13 Primary School, Malapanit Elementary School, at Nasilaban Integrated School. Sinimulan na nila itong gamitin noong Agosto 11.
Bukod sa matulungan ang mga katutubo sa kanilang pag-aaral, nilalayon din ng EastMinCom na pag-ibayuhin pa ang usaping pangkapayapaan sa Davao at sa buong Mindanao.
Ayon sa EastMinCom, patuloy ang paglilingkod ng mga militar, gayundin ang kanilang pakikiisa sa mga lokal na pinuno ng lalawigan, kahit na may Covid19.
Sinabi nina Talaingod Mayor Johnnie Libayao at Talaingod Deped Supervisor Justiniano Cubar na sa
panahon ng krisis, hindi lamang kapayapaan at seguridad ang ipinamamalas ng tanggapan, kundi pati ang makamamamayang kaunlaran at pagpapataas ng antas ngedukasyong maka-Filipino.
“Aside from building resilience in the face of risk and the dynamic growth condition, you have pursued your corporate responsibility to a whole new level as you bring difference to the lives of our IP brothers and sisters in Talaingod,” tugon niEastMinCom Deputy Commander BGen. Leopoldo A. Imbang Jr. sa ginanap na turnover ceremony.
“It bears repeating that development could be hardly pursued without the active participation of all sectors, including the members of the target recipient communities,” dagdag niya.