Campus

SEGURIDAD SA MGA ISKUL SA CALOOCAN HINIGPITAN

/ 20 February 2025

KASUNOD ng kidnapping incident sa Maypajo, Caloocan City, hinigpitan na ang seguridad sa mga paaralan sa lungsod.

Agad nagpalabas ng kautusan ang Caloocan City Hall na tingnan ang kaligtasan ng mga paaralan at bumuo ng  Aksyon at Malasakit Task Force para paigtingin pa ang pagbabantay sa mga paaralan lalo na tuwing oras ng pagpasok at paglabas ng mga estudyante.

Agad ding nagbigay ng direktiba ang lokal na pamahalaan  na imbestigahan ang insidente sa tangkang pag-kidnap sa dalawang bata.

Ayon sa Caloocan City Police Station (CCPS), ang suspek ay residente ng Sta. Ana, Manila at ang kaso ay kinokonsiderang isolated incident lamang

Ibinunyag ng mga awtoridad na ilang araw nang hindi kumakain ang suspek at dati na ring nakulong noong Disyembre dahil sa drug-related charges.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulis ang suspek at humaharap sa kasong attempted kidnapping.

Tiniyak  naman ng alkalde sa mga residente na nakahanda ang mga barangay at police personnel na rumesponde sa anumang banta sa seguridad sa lungsod.