Campus

‘RISE 4 EDUCATION CEBU’ NANAWAGAN PARA SA LIGTAS NA BALIK-ESKUWELA

/ 9 August 2020

NAGLABAS ng posisyong papel ang alyansang Rise 4 Education Cebu dala ang kanilang panawagan para sa ligtas na pagbabalik-eskuwela ngayong Agosto.

Ayon sa R4E, edukasyon ang isa sa mga pinakaapektado ng krisis pangkalusugang dala ng Covid19.

Hindi ito nararapat naisantabi at agarang patawan ng karampatang programa nang hindi kinikilala ang kalagayan, kakayahan, at kahandaan ng mga mag-aaral, guro, at lahat ng Filipinong nasa ganang sektor.

Magkagayo’y nananawagan sila para isulong ang kampanyang CEBU – Call for medical solutions, Ensure students’ and teachers’ rights and welfare, Better normal for education, at Unite with other sectors.

Nananatili ang Filipinas sa ranggo ng mga bansa sa buong mundo na may pinakamahabang lockdown, ngayong nasaikaapat na buwan na. Gayunpama’y wala pa ring linaw sa kung paano kongkretong tutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga mamamayan.

“As opposed to the militaristic approach enforced by our government, health-focused solutions have been given little attention. Even with the closure of the majority of our economy, the number of confirmed cases continue to rise each passing day with a total of 85,000 cases that have been reported to date,” paliwanag nila.

Sa Cebu, ilang mga pampublikong paaralan na ang ginawang barangay isolation center dahil sa kakulangan ng espasyo sa mga ospital. Bunsod nito’y hindi maayos na makapanaog ang mga guro sa lagakan ng kanilang mga kagamitang pampagtuturo. Dagdag pa, higit 6 milyong mga mag-aaral mula elementarya hanggang sekundarya ang hindi nakapag-enroll dahil sa pandemya. Kaunti lamang din ang babalik-eskuwelakahit sa pribadong paaralan na bukod sa pangambang hindimagiging episyente ang paparating na akademikong taon ay nagtaasan pa ng singil sa matrikula ang kalakhan ng mgainstitusyon at unibersidad sa buong Filipinas.

Buhat sa mga suliraning ito’y pinananawagan ng R4E nalinawin ang burador ng pamahalaan para sa balik-eskuwela. Maglaan ng solusyong medikal, tiyaking iginagalang pa rin ang karapatan at kapakanan ng mga guro’t mag-aaral, mas paigtinginpa ang tipanan ng mga sektor at mga ahensiya, at maging ‘better’  ang ‘new’ normal na pangako ng DepEd at CHED.

Basahin ang kanilang posisyong papel dito: https://tinyurl.com/yyalcfqr.