Campus

RADYO TURO-GURO HATID NG ATENEO SALT

/ 8 August 2020

HATID ng Ateneo de Manila Institute for the Science and Art of Learning and Teaching ang ‘Radyo Turo-Guro’, isang programang panradyo na tatalakay sa mga estratehiyang maaaring utilisahin ng mga guro tungo sa mas mahusay napagtuturo sa panahon ng pandemya.

Layon ng Radyo Turo-Guro na maglaan ng suporta sa mga pampublikong guro sa Filipinas sa paghahatid ng mga aralin saiskemang online learning.

Araw-araw ay may iba’t ibang larangang hihimayin, sa pangunguna ng mga batikang guro ng Pamantasang Ateneo. Asignaturang Ingles tuwing Lunes, Matematika tuwing Martes, Filipino tuwing Miyerkules, Agham tuwing Huwebes, at ATBP o yaong araw na laan para sa samu’tsaring kuwentuhan, ang mapapanood at mapakikinggan tuwingBiyernes.

Papasok ang programa sa mga usaping may kinalaman sanilalamang aralin, paraang pampagtuturo, pangangasiwa ng klase, sikolohikal na pangangalaga at kalusugan, at iba pang estratehiyang espesipiko sa mga larangan.

Nagsimula nang umere ang Radyo Turo-Guro ngayong Agosto, mula Lunes hanggang Biyernes, 6:00 hanggang 6:30 n.g. saDZRJ 810AM Radyo Bandido, na may sabay na streaming saDZRJ 810 AM – Voice of the Philippines Teleradyo, YouTube channel, at sa Sky Cable Channel 224.