PLM HINDI NA TATANGGAP NG MGA BAGONG ESTUDYANTE
KAHIT pa online ang mga klase, inanunsiyo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na hindi na ito tatanggap ng mga bagong estudyante para sa school year 2020-2021.
Sa isang post, sinabi ng PLM na puno na ang kanilang unibersidad kung kaya hindi na nito matatanggap ang ibang mga aplikante.
“Due to capacity constraints, PLM can no longer accept new applications for admissions, reconsiderations and transfers,” pahayag nito.
Subalit nilinaw naman ng unibersidad na lahat ng mga nakabimbing aplikante ay pinoproseso na at ipadadala na lamang sa kanilang email ang resulta ng kanilang aplikasyon.
Dagdag pa nito, umabot na sa 7,000 ang bilang ng mga estudyante sa first year, 4,500 na returnees at 1,000 transferees.
Doble ang bilang ng freshmen kumpara noong nakaraang school year.
Magbubukas ang klase sa PLM sa Oktubre 5.