Campus

#PISOPARASALAPTOP CAMPAIGN: CAMPUS JOURNALIST UMAPELA NG TULONG

/ 24 July 2021

HUMINGI ng tulong ang isang campus journalist sa kanyang #PisoParaSaLaptop campaign para sa kanyang pag-aaral.

Si Cassandra Gean Magbuo ay isang incoming Grade 11 student at nagtapos siya ng Grade 10 sa Aplaya National High School Annex na may honors.

Ang #PisoParaSaLaptop campaign ay ipinost niya sa Facebook sa pag-asang may makatulong sa kanya na makabili ng laptop na gagamitin niya sa kanyang pag-aaral.

Kuwento niya, kulang ang kinikita ng kanyang ama na isang mangangalakal upang matustusan ang kanyang mga pangangailangan sa pag-aaral.

Hindi naging hadlang ang kahirapan upang mangarap siya at pagbutihin ang kanyang pag-aaral.

Sinabi ni Magbuo na simula nang siya ay mag-aral ay lagi siyang may honors.

Sa pagiging campus journalist niya ay marami na siyang nakamit na karangalan tulad ng mga sumusunod:

  • Kit Belmonte’s Congressional Award For Excellence – Nationalism
  • Marivic Co-Pilar’s Leadership Awardee
  • City of Santa Rosa Laguna Youth Week 2019 – Spoken Word Poetry Champion
  • City of Santa Rosa Laguna Schools Online Debate (UPLB-The Parliament) – Champion
  • Cluster District News Writing – 8th Place
  • Congressional District Editorial Writing – 4th Place
  • Divison of Quezon City School’s 37th Young Writer’s Contest – 5th Place overall Editorial Writing

Aniya, ang bawat tulong na ibibigay sa kanya ay hindi masasayang dahil lalo pa siyang magsusumikap na mag-aral.

“Sa mga karangalang naipunto ko po sa itaas, sana po ay sapat na ito para makuha ko ang inyong tiwala na hinding-hindi ko po sasayangin ang tulong na ibibigay ninyo sa akin,” pahayag niya.

“Ang bawat patak po ng halaga na maibabahagi ninyo sa akin ay katumbas po ng isang malaking hakbang ko tungo sa aking pangarap,” dagdag pa niya.