Campus

PINOY NAGTAPOS NA SUMMA CUM LAUDE SA UNIBERSIDAD SA U.S.

ISANG Pinoy mula sa Bolinao, Pangasinan ang nagtapos na summa cum laude sa George Mason University sa Virginia, USA.

/ 31 May 2021

ISANG Pinoy mula sa Bolinao, Pangasinan ang nagtapos na summa cum laude sa George Mason University sa Virginia, USA.

Si Deborah Ruth Caangay De Perio ay nagtapos sa kursong BS Nursing College of Heath and Sciences.

Ayon kay De Perio, hindi naging hadlang ang pagiging Filipino niya sa kanyang pag-aaral sa ibang bansa dahil tanyag ang mga Pinoy sa “galing sa pakikisama at pag-aalaga.”

Bago siya nag-migrate sa Amerika noong 2017, nag-aral siya ng isa’t kalahating taon sa kursong Physical Therapy sa University of the Philippines Manila.

Mensahe niya sa mga estudyanteng nasa larangan ng medikal, “patuloy na mangarap kahit pa sa gitna ng pandemya.”

Sa kasalukuyan, si De Perio ay isang volunteer bilang taga-bakuna kontra COVID-19 habang naghahanada para sa kanyang nalalapit na board exam.