PHYSICIAN LICENSURE EXAM TULOY SA SETYEMBRE
TULOY ang ikalawang bahagi ng Physician Licensure Examination matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease ang hiling ng Professional Regulation Commission na manatili sa 20-21 Setyembre ang pagsusulit basta’t may istriktong gabay-kalusugan mula sa Kagawaran ng Kalusugan.
Ang desisyon ay nakaangkla sa Resolusyon 58 ng ahensiya noong 23 Hulyo.
Orihinal itong nakaiskedyul noong Marso, subalit dahil sa COVID-19 ay iniurong ito sa Setyembre.
Samantala, ipagpapaliban naman ng PRC ang sumusunod, batay sa pahayag ng komisyon, 23 Hulyo:
• Licensure Examination for Foresters (September 1 – 2, 2020) • Licensure Examination for Registered Electrical Engineers (September 4 – 5, 2020) • Licensure Examination for Registered Master Electricians (September 6, 2020) • Librarians Licensure Examination (September 8 – 9, 2020) • Licensure Examination for Respiratory Therapists (September 15 – 16, 2020) • Licensure Examination for Professional Teachers (September 27, 2020) • Agricultural and Biosystems Engineers Licensure Examination (September 29 – 30, 2020)
Sa 2021 na gaganapin ang mga nabanggit na pagsusulit.