Campus

PHYSICAL GRADUATION RITES SA LA SALLE BACOLOD KINANSELA

/ 15 September 2020

DAHIL sa muling isinailallm sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Lungsod ng Bacolod, ang nakaiskedyul na physical graduation ceremony sa De La Salle Bacolod ay hindi na matutuloy.

“The scheduled graduation 2020 rehearsals (September 18, 2020) and ceremonies (September 22, 2020) for the undergraduate colleges will be postponed indefinitely due to the declaration of the MECQ status for Bacolod City,” ayon sa Office of the University Registrar.

Dismayado man ang mga magsisipagtapos ay hindi na ipagpapatuloy pa ng DLS-B ang gawain para sa kaligtasan ng lahat.

Kanselado rin ang physical graduation rites sa iba pang mga pamantasan sa bansa dahil sa banta ng Covid19.

Sa ngayon, ang ibang pamantasan ay magsasagawa lamang ng virtual graduation ceremony para maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19.