Campus

PASUKAN SA SOUTHERN LEYTE STATE U SA OKTUBRE 5 NA

/ 23 August 2020

INANUNSIYO ng Southern Leyte State University na ang susunod na akademikong taon ay sa Oktubre 5 na magsisimula para mas makapaghanda pa ang pamantasan at mga mag-aaral sa blended learning.

Sa pahayag ni SLSU President Dr. Prose Ivy Yepes, matapos suriin ang kahandaan ng mga mag-aaral sa nakatakdang pagpapatupad ng blended learning, napagtanto niyang kailangan pa ng mas masigasig na preparasyon, partikular sa pag-upgrade ng ICT infrastructure at pagbuo ng mga materyales tungo sa mas mahusay na Flexible Learning Management System.

Bunsod nito ay inirekomenda niyang iurong ang pasukan sa Oktubre 5 na magtatapos sa Pebrero 21, sabjek sa aprubal ng University Governing Board.

Ang nalalabing anim na linggo ay ilalaan sa pagpapabuti pa ng kasalukuyang teknolohiyang mayroon ang pamantasan, kaguruan, at kani-kanilang tahanan ng mga mag-aaral.

Tatanggap pa rin naman ng late enrollees ang SLSU habang hindi pa nagsisimula ang klase.

“As we brave the future and respond to the needs of our teachers and learners, Southern Leyte State University has been working closely with [CHED] to ensure that learning continues for the continued advancement of our students and institutions, supporting CHED in widening the reach of teaching and learning resources through the PHL CHED Connect and the HiEd Bayanihan, while maximizing other learning modalities to reach every learner,” paliwanag ni Yepes.