PASS ALL POLICY? WALANG BABAGSAK NA ESTUDYANTE SA CENTRAL LUZON STATE U
TINIYAK ng Central Luzon State University na walang babagsak na estudyante nito sa ilalim ng flexible learning.
“No failing grades. Pinag-aaralan pa ang mga pagbabagong gagawin sa Post-ECQ Guidelines, lalo na sa pagbibigay ng grado,” nakasaad sa liham na ng CLSU Office of the President.
Nakasaad pa sa liham na hindi aalisin ang mga academic break upang magkaroon ng pansamantalang pahinga ang nga estudyante kahit pa online o flexible learning ang gamit.
Nakipag-ugnayan naman ang Council of Deans ng CLSU sa mga lokal na pamahalaan upang magkaroon ng libreng pag-imprenta ng mga module na gagamitin sa kanilang pag-aaral.
Samantala, magkakaroon din ng pondo para sa internet na gagamitin ng mga guro.
Humingi naman ng paumanhin ang CLSU dahil sa pagkakaantala ng pagdating ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education kung kaya natagalan din ang pamamahagi nito sa mga estudyante.