PAGBABAKUNA SA MGA EMPLEYADO SINIMULAN NA NG UNIVERSITY OF SAN CARLOS
NAKATANGGAP na ng unang dosis ng bakuna kontra Covid19 ang ilang empleyado ng University of San Carlos.
Ito ay kasabay ng pagbubukas ng Project Balik Buhay-University of San Carlos Vaccination Supercenter na binasbasan ni University President Fr. Narciso Cellan Jr.
Sa ilalim ng proyekto, magtutulungan ang pribado at pampublikong sektor ng San Carlos upang suportahan ang gobyerno sa pagsugpo ng Covid19 sa pamamagitan ng pagbabakuna.
Tatagal ang operasyon ng vaccination site ng tatlong buwan. Aabot naman sa 150 ang mababakunahan sa loob ng tatlong oras.
Naunang binakunahan ang mga empleyado noong Hunyo 14-16 at susunod naman ang mga nagparehistro para sa bakuna.