PAANO NA SILA? UE NAGSAGAWA NG DONATION DRIVE PARA SA STUDENT ASSISTANTS
PARA sa mga estudyante na kapos sa pambayad ng matrikula, Student Assistantship ang kanilang takbuhan.
Nagtatrabaho sila sa mga pamantasan para maging SA at para maging katuwang ng mga pakuldad at ng iba’t ibang opisina na makapagbibigay sa kanila ng iskolarsyip at sapat na stipend para sa buong semestre.
Subalit paano na sila ngayong online na ang klase?
Paano na sila makapag-eenroll at makapagtatrabaho’t sarado ang lahat ng paaralan?
Iyan ang suliraning nais tugunan ng University of the East Save A Student Program.
“Many students of the University of the East are about to lose their Student Assistant Scholarship Program amid the pandemic crisis. The student assistants of UE mainly rely on this scholarship program to sustain their studies. Given the negative impact of the pandemic crisis to their livelihood, many students are now incapable of continuing their studies forcing them not to enroll for the incoming semester that is set to start on August,” pahayag ng grupo.
Sinabi nila na nahaharap ang mga SA sa patong-patong na suliraning mental, emosyonal, at pinansiyal, at ang kawalan ng iskolarsyip ay dagok na posibleng magpahinto sa kanila sa pag-aaral. Ito ang dahilan kung bakit nagsimula ang programa.
Ngayon, sa tulong ng mga propesor, mananaliksik, mag-aaral, at ng komunidad ng UE Red Warriors, 10 SA na ang natulungan nilang makapag-enroll. Mayroong mga bumuo ng donation drive, nag-online selling, nag-mini concert, at iba’t iba pang mga pakulo para makalikom ng halagang maibibigay sa daan-daang SA ng pamantasan.
Hindi naman makapaniwala ang unang 10 nakatanggap ng tulong muna sa Save A Student.
“Everything is struggling because of this pandemic. Me and my family are one of those. At first, I didn’t know if I’ll be able to enroll this semester. But because of the initiative and compassion…I was fortunate to continue my studies,” mensahe ni Hannah de Guzman, estudyante ng BS Financial Management.
Ayon naman kay Kathleen Pagdilao, BS Accountancy student, pag-e-SA lamang ang kanyang inaasahan para makatapos ng kolehiyo. Sa una, akala niya, hihinto na siya. Pero hindi niya inakalang maraming may mabubuting pusong nagbahagi ng donation drive at mapalad siyang isa siya sa mga natulungan nito. “It is really a big help to us student assistants who only expects to support our schooling with this kind of scholarship – that has been stopped since the pandemic,” sabi niya.
Tuloy-tuloy pa rin ang programang ang layon ay walang sinumang SA na mahihinto sa pag-aaral. Sinisikap nilang makahabol ngayong semestre ang mga hindi pa nakapag-eenroll kahit nagsimula na ang klase sa UE.
Paalala ng grupo, “Most of the time, our student assistants are there to assist us but now, it is our time to #AssistStudentAssistants. No student must be left behind.”
Para sa mga nais magbigay ng donasyon, puntahan lamang ang kanilang opisyal na Facebook page: https://www.facebook.com/saveastudent/.