Campus

P2K EDUCATIONAL ASSISTANCE SA UNIVERSITY OF CALOOCAN LEARNERS

/ 28 April 2021

Isa-isa nang nakatatanggap ang mga kuwalipikadong mag-aaral ng University of Caloocan City ng educational assistance bilang suporta sa kanila ng lokal na pamahalaan sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.

Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng Department of Social Welfare and Development, makatatanggap ng P2,000 educational assistance ang bawat estudyante na naka-enroll ngayong semestre.

Sa pahayag ni Congressman Along Malapitan, malaking hamon para sa mga mag-aaral, lalo na sa mga nasa kolehiyo ang online classes.

Kaya mahalaga, aniya, ang pagbibigay ng suporta sa mga ito upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Noong Martes, Abril 27, ay sinimulan ang pamamahagi ng cash aid sa mga benepisyaryong mag-aaral.

Upang maiwasan ang pagdagsa at maobserbahan ang social distancing, itinakda tuwing Martes ang cashout sa distribution site.

Upang maiwasan ang mahabang pila ay inabisuhan ang mga mag-aaral na hintayin ang text o anunsiyo kung oras na nilang tumanggap ng cash aid.