Campus

NEGROS ORIENTAL STATE U ‘DI NA KAYANG TUMANGGAP NG MGA BAGONG ESTUDYANTE

/ 12 August 2021

HINDI na kaya ng Negros Oriental State University na tumanggap ng mga bagong estudyante maliban sa mahigit 9,000 na nauna nang tinanggap ng unibersidad.

Ayon kay NORSU Vice President for Academic Affairs Rosemarie Pinili, hindi maaaring basta-basta dagdagan ng unibersidad ang enrollment capacity nang hindi isinasaalang-alang ang mga magiging epekto nito.

Paliwanag niya, hindi na sapat ang kanilang tao at materyal para sa mga bagong madadagdag na estudyante.

Maaari umano nitong ikompromiso ang pagsisikap ng unibersidad na magkaloob ng dekalidad na edukasyon.

Hinikayat ni Pinili ang mga estudyanteng hindi mapapasama sa mahigit 9,000 tatanggapin ngayong taon na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap.

“We wish you the best, be it in NORSU or be it in other prestigious institutions not only in Negros Oriental but also elsewhere. Please pursue your dreams whether it’s going to be with us or somewhere else,” pahayag niya.

Umabot sa 34,000 ang mga naging aplikante ng NORSU para sa susunod na academic year.