NAVOTAS PUBLIC SCHOOL GRADS MAY CASH INCENTIVES
BINIGYAN ng cash incentives ng Navotas City government ang mga nagtapos sa mga pampublikong paaralan ngayong taon.
Nasa 3,495 estudyante sa Grade 6 at 1,270 sa Grade 12 ang tumanggap ng P500 at P1,000 bawat isa, ayon sa pagkakasunod.
Ang mga nagtapos sa Navotas Polytechnic College ay binigyan naman ng tig-P1,500.
“Our youth deserve to receive all the support they can get to succeed in life. We hope this will help them prepare for the incoming school year and encourage them to finish their schooling, even amid the challenges of the pandemic,” ayon kay Mayor Toby Tiangco.
Sa 5,616 elementary at senior high school completers, 851 pa ang hindi nakatanggap ng incentives.
Pinayuhan sila ng alkalde na hintayin ang anunsiyo ng pamahalaang lungsod sa iskedyul ng distribution.
Nagsimula ang Navotas sa pamimigay ng graduation incentives noong 2019 alinsunod sa City Ordinance 2019-3.