Campus

MODULAR LEARNING SINA TITSER SA ZAMBALES

/ 28 July 2020

SINISIKAP ng pamunuan ng Bani National High School sa bayan ng Masinloc, Zambales na walang maiiwanang mag-aaral sa pamamagitan ng paghahatid ng edukasyon sa mga tahanan.

At upang makamit umano ang layuning ito ay nagkakaisa ang mga guro sa paggawa ng mga modyul na gagamitin ng mga estudyante para sa school year 2020-2021.

Ang mga learning materials ay nakabatay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) na kinakailangan matutunan ng mga mag-aaral sa panahon ng Covid19 pandemic.

Ayon sa mga guro, ang mga nilikhang modyul ay localized, madaling unawain at angkop sa interes ng mga bata habang nag-aaral. Sa kani-kanilang mga tahanan.

Sumailalim ang mga guro sa masinsinang pagsasanay sa pagsulat at paggawa ng ilustrasyon ng mga modyul ganun na rin ang tamang pagdisenyo ng modyul, paggamit ng angkop na wika at pagsusuri ng mga nilalaman nito.

Ipamamahagi ang mga learning materials sa mga mag-aaral ng BNHS bago pa magsimula ang pasukan ng klase na sinasabing sa darating sa Agosto 24.