Campus

MENTAL HEALTH BREAK ‘DI NARAMDAMAN NG BULACAN STATE U STUDENTS

/ 28 May 2021

ILANG estudyante mula sa Bulacan State University ang nagbahagi na hindi nila naramdaman ang kanilang mental health break dahil sa tambak na mga gawain.

Sa isang online survey ng BulSU Student Government, inamin ng mga estudyante na dismayado sila sa mental health break na ipinatupad ng unibersidad.

Reklamo ng iba, itinapat kasi sa weekends kaya hindi nila ramdam ang break.

“Health break pero itinapat sa weekend,” sabi ng isang estudiyante sa survey.

“Mental health break pala ‘yun, kala ko basta weekends lang,” dagdag pa ng isa.

“Sana man lang ho, ‘di ninyo ho itinapat ng weekends,” sabi pa ng isang estudyante.

Nagsimula ang apat na araw na mental health break ng BulSU noong May 20, 2021.