Campus

MAPUA STUDENT WAGI SA INT’L FILM FESTIVAL

/ 19 May 2021

NAIUWI ng Mapua University first-year Digital Film student ang ikatlong gantimpala sa katatapos lamang na Agbo’s No Sleep ‘Til Film Festival 2021 ng Russo Brothers sa Los Angeles noong Mayo 13.

Halos 700 pelikula mula sa iba’t ibang bansa ang lumahok sa festival pero ang obra-maestra ni Adam Dumaguin na pinamagatang “My House” ang itinanghal na ikatlong pinakamahusay. Sumunod siya sa “Happy Day” ni Kali Davis at “Pineapple” ni Stephen Ford.

Tungkol sa 12-anyos na batang lalaki na nagsasaad ng mga paboritong gamit sa loob ng bahay ang takbo ng istorya. Kalidad ng frames at storyline ang tiyak na nagdala sa batang direktor tungong tagumpay.

Online na naglaban-laban ang mga kalahok. Binigyan sila ng 48 oras para makakumpleto at makapagsumite ng pelikula, matapos ay panonoorin ng mga batikang direktor ng piling Marvel movies.

Laking pasasalamat ni Dumaguin sa Agbo sa natanggap na parangal.

“Thank you so much for this ward AGBO Films and Russo Brothers! I really have no words until now! This is really a big achievement (especially accounting for my age and gears versus other participants),” pagbabahagi niya sa Facebook.

“Honestly, I never thought I had a chance with this festival. The only thing that made me join was knowing that the directors of Marvel Movies (Especially Infinity War and Endgame) will be able to watch my work.

“This is beyond what I have and what I can do. Thank you, Lord! And thank you for blessing me with a supportive family! This wouldn’t be possible without mom’s instrumental talent, dave’s acting, and dad’s support.

“I didn’t have a production team. I have never held a cinema camera in my life. I never went outside my house to make this film. And yet, here we are.”

Ipinagmalaki at binati naman siya ng Mapua University at Film Development Council of the Philippines.

Para mapanood ang My House at iba pang lahok, maaaring bisitahin ang https://www.youtube.com/watch?v=knYMa3Yt6kI.