Campus

MALATE CATHOLIC SCHOOL: “NO PA RIN SA F2F CLASSES KAHIT MAY COVID 19  VACCINE NA”

/ 23 August 2020

WALA nang makapipigil sa Malate Catholic School sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 24, bagama’t iniurong ng Department of Education ang pasukan sa Oktubre 5, 2020.

Sinimulan na ng MCS ang pamimigay ng mga schedule ng klase para mapaghandaan na ito ng mga estudyante.

Hinati ng MCS ang  klase sa dalawang sessions, kung saan tatagal ng apat hanggang limang oras ang pasok kada araw.

Inaayos na rin ng mga guro ang Google Classrooms at Google Meet na kanilang gagamitin sa distance learning.

Nauna na ring nagsagawa ng orientation ang eskuwelahan upang lubos na maintindihan ng mga magulang at estudyante ang gagamiting online learning.

Synchronous at asynchronous learning ang gagamitin ng MCS.

Ang synchronous learning ay kailangan ng ‘real-time interaction’ ng mga mag-aaral sa kanilang mga guro at kaklase,  habang ang asynchronous ay hindi kailangang ‘real time’ ang pagpasa ng mga gawain.

Bagaman lahat ay nahihirapan sa sitwasyon, sinisikap ng MCS na makapaghatid ng dekalidad na edukasyon.

Tiniyak din ng eskuwelahan na hindi ito magsasagawa ng face-to-face classes sa buong taon kahit pa magkaroon na ng bakuna laban sa Covid19.