Campus

MABISANG GABAY, ISTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG MEDICAL TECHNOLOGY ITUTURO SA WEBINAR

/ 7 September 2020

UPANG matiyak na magiging matiwasay ang pag-aaral ng mga estudyante sa muling pagbubukas ng klase, nagkapit-bisig ang Silliman University Medical Technology Society at ang grupong Reform sa paglulunsad ng isang webinar para sa kanilang mga mag-aaral sa Dumaguete, Negros Oriental.

Ang interschool Medical Laboratory Scientists webinar ay gaganapin sa Setyembre 12, 2020, mula alas-8 hanggang alas-9 ng gabi. Ang naturang webinar ay ila-livestream sa Facebook page ng Reform, ayon sa anunsiyo  ng SUMTS.

Tatalakayin sa webinar ang tatlong mahahalagang bagay na kailangang matutunan ng mga estudyante — Study Strategies, Surviving Exams at ang Underrated Reality ng Medical Technologists sa Filipinas.

Ang mga lalahok sa webinar ay makatatanggap ng digital certificates.

Sa mga interesado, maaaring mag-register sa https://bit.ly/2QR3R3p o kaya naman ay makipag-ugnayan sa official Facebook page ng unibersidad.