‘LIBRO NI ABRENIO’ SA LALAWIGAN NG ABRA
BILANG tugon sa hamon sa pagbubukas ng klase sa gitna ng pandemya ay pinalawig pa ng Schools Division Office ng Abra province ang programang “Libro ni Abrenio” para umano sa ligtas na paghahatid ng edukasyon sa mga kabataan ng lalawigan.
Ang nasabing proyekto ay nagsimula noong taong 2015 pa na ngayon ay lalo pang pinalawig upang maipaabot sa mga mag-aaral ang biyayang hatid nito sa panahon ng pandemya.
“The program is a contextualized curriculum enhancement project of the Learning Resource Management Section of the Curriculum Implementation Division, which advocates Sama-sama sa Pagsulong ng Edukalidad,’ DepEd Bayanihan,’ at ang ‘We Heal as One,'” pahayag ni Ronald Marquez, ang education program supervisor.
Sa nasabing proyekto, bawat eskwelahan sa probinsya ay nagdisenyo ng mga aralin at proyekto alinsunod sa programa ‘tulad ng mga aralin na magpapalawig sa kaalaman tungkol sa tradisyon at kultura ng mga Abrenio, maging ang mga napapanahong paksa na magagamit sa paglinang ng kaalaman ng mga bata.
“This platform also offers activities which aim to continuously advocate, inform, upskill and reskill Abra educators in relation to their task and in accordance to LRM processes such as development, quality assurance, harvesting of learning resources, pilot testing contextualization and technical assistance,” dagdag ni Marquez.
Ilang webinars din ang isinagawa sa pamamagitan ng Continuous Enhancement Training upang mahasa ang pagtuturo at pagdisenyo ng learning materials ng mga guro. May pagsasanay rin sa pag-develop ng audio-books/audio modules. Ang lahat ng ito ay gagamitin rin ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase.
Sa kasagsagan ng lockdown, naging aktibo ang programa sa tulong ng social media. Pinalakas ang information campaign kontra Covid19 at naglabas ang SDO-Abra ng mga learning material upang may pagkaabalahan ang mga mag-aaral. Sa ilalim ng “Home Reading Activity” ay nahasa ang kakayahan nilang magbasa habang nahasa rin ang kakayahan sa pagsasalaysay sa pamamagitan ng “Share Your Story.”
“As the Abrenios relentlessly hope for a brighter side of the pandemic, the chapters of the Libro Abrenio never end but it incessantly turns pages and shares meaningful and colorful lines and images of continual quality education, love of humanity, and faith in God. The Story of the Abrenios will always be an open book for the generations to come,” pagtatapos na pahayag ni Marquez.